Sumiklab ang sunog sa isang barko sa Navotas fish port nitong Sabado ng umaga.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog alas-10:34 ng umaga at higit 2 oras na umanong inaapula ng mga bombero.

Walang naiulat na sugatan sa insidente.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.

I-refresh ang pahinang ito para sa updates.

WATCH VIDEO